Ang pagmamaneho ay hindi karapatan, ito ay pribilehiyo lamang kaya pag nagkaroon ng traffic violation ay meron Itong multa sa driver or sa may ari ng sasakyan, pwede rin itong ma-suspende or ma revoke ang drivers license or ma impound ang sasakyan.
Ang lisensya ay valid for 5 years from date of birth ng driver unless sooner revoke or ma suspende. Sa loob ng 5 years na walang violation ang driver, at pag renew nito ay bibigyan na ito ng lisensya na valid for 10 years.
Metro traffic code of 2023 ay nagsimula noong May 02, 2023 para magkaroon ng pare-pareho at pinagkaisang pagpapatupad ng traffic rules and regulation sa Metro Manila.
Single Ticketing System - Pagkakaisa ng mga pinaiiral na batas trapiko at pamamahala ng trapiko sa Metro Manila.
- Pare-parehong multa ng karaniwang malalabag sa batas trapiko.
Karaniwan (Frequently Violated Traffic Rules)
- Standard na multa ng karaniwang nalalabag na batas trapiko.
- Interconnectivity ng sistema ng ahensya ng pamahalaan na namamahala sa transportasyon at trapiko.
Interconnectivity - Ang data sa LTO/LTFRB
( Registered drivers with licenses registered motor vehicle / Owner's name / Plate number ) ay alam ng mga ahensya, MMDA/LGU'S at pwedeng ipaalarma mga hindi magbabayad ng traffic violation.
Uniform Ordinance Violence Receipt (VOVR) ang tawag sa ticket na ini issue ng MMDA/LGU'S deputized agent.
- Lahat ng traffic enforcers ng LGU's ay isasailalim ng pagsasanay ng MMDA para ma deputized. Ang Ordinance Violation Receipt (OVR) na ginagamit ng ilang local enforcers ay pwedeng gamitin hanggang December 2024.
- Klase ng ticket (VOVR)
a. VOVR Ticket na me logo ng MMDA/LTO at Metro Manila LGU's
b. Handheld Device:
- Nakakapag print ng ticket
- Nakakapag validate at authenticate ng drivers license(verify) at vehicle registration.
- Makikita kung meron demerit points na ang driver or ang sasakyan ay suspendido, kanselado or merong alarma.
- Makakabayad online.
- Kapag tumanging magbigay ng lisensya ang driver, maaring ituring na violation-driving without license at the time of apprehension.
- Kapag tumanging pumirma, valid parin ang ticket at lalagyan ng note na "Refused to sign"
- Pwedeng e contest or ereklamo ang pagkakahuli sa loob ng 10 araw.
- Bayaran ang ticket sa loob ng 10 araw sa SM Bayad Center at Landbank portal.
Saan Bawal Pumarada:
1. Intersection
2. Daanan tawiran ng tao
3. Six meters ng intersection na meron kurbada. Ang first lane na merong kurbada at walang nakalagay na "No right turn on red signal" ay likuan ng mga kakanan na sasayan, kahit na ang ilaw ng traffic light ay pula, gawain ng may pag-iingat
4. Four meters driveway ng Fire station, Hospital at Police station.
5. Tapat ng private na garahe.
6. Sa daan na pwede ang one side parking, bawal ang double park.
7. Sidewalk, daanan ng tao or lahat na hindi pwedeng paradahan.
8. Lahat ng lugar na meron traffic sign.
Dalawang Klase ng Illegal Parking:
1. Attended - Meron driver pero nasa bawal na lugar pumarada, titikitan ang driver at papaalisen ang sasakyan. Penalty Php 1,000.00
2. Unattended - Walang driver, iniwan or pinarada ang sasakyan sa bawal na lugar. Penalty Php 2,000.00 subject for towing.
Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) ang tawag sa nakasanayan na number coding, binabawasan ang tumatakbong sasakyan sa isang araw.
AM - 7:00-10:00 AM
(Window hours)
PM 5:00-8:00 PM
Penalty: Php 500.00
Exempted from UVVRP
1. PUV - Public Utility Vehicle including tricycle.
2. Motorcycles
3. Garbage Trucks
4. Marked government vehicles
5. Fire Trucks
6. Ambulance
7. Marked media vehicles ( Registered in media company)
Dress Code for Riders and Passengers:
Ito ang violation na binibigay sa drivers dahil sya or ang kanyang ankas ay hindi nakasapatos.
- First offense Php 500.00
- Second offense Php 750.00
- Third offense Php 1,000.00
Ang obstruction ay hinaharangan ng sasakyan ( Nakatigil or Nakaparada) ang daanan ng ibang sasakyan.
Walang violation na "Counterflow" ang ginagawa ng driver ay illegal counterflow or unauthorized counterflow
RA 870 - Seatbelt Act of 1999
RA 11229 - Child Safety in Motorcycle Act
RA 10054 - Mandatory use of Motorcycle Helmet
RA 10666 - Children's Safety in Motorcycle Act
RA 10913 - Anti Distracted Driving Act
Stalled Vehicle - Wala ng kakayahan na umandar ang sasakyan
Example: Flat Tire, Naubusan ng gasolina, kumatok ang makina etc.
MMDA Regulation 23-002
Pinataas na multa sa mag violate sa Edsa Bus Lane:
First offense Php 5,000.00
Second offense Php 10,000.00 + 1 month suspension of DL
Third offense Php 20,000.00 + 1 year suspension of DL
Fouth offense Php 30,000.00 + Recommendation of DL
Pag tinakbuhan or hinabol ang nag violate ng Edsa bus lane, ang penalty ay katumbas ng 3rd offense violation.