MENU

Fun & Interesting

🥊FIGHT ANALYSIS: DUROG si MARTINEZ kay ANCAJAS! JERWIN ANCAJAS TATAPUSIN AGAD si FERNANDO MARTINEZ!

Sports Manda 429,869 lượt xem 3 years ago
Video Not Working? Fix It Now

Ilang lingo na lang at isusugal na muli ni IBF Super Flyweight King Jerwin Pretty Boy Ancajas ang kanyang titulo kontra sa undefeated boxing prospect mula sa bansang Argentina na si Fernando Daniel Martinez

Papasok na nga sa last stretch ng training ang magkabilang kampo at malamang na napag-aralan na din ng kanilang mga respective boxing coaches kung ano ang kalakasan at kahinaan ng makaka duelo ng kanilang alaga.

Ito nga pala ang ika-sampung depensa ni Jerwin sa kanyang pinaka-iingatang titulo at umaalingawngaw na din ang balitang swak na swak sa istilo ni Ancajas ang galawan nitong si Martinez.

Busisiin natin mga parekoiz ang huling 3 laban ng dalawang boksingero para magkaroon tayo ng konkretong ideya kung bakit lyamado ang ating pambato.

Fernando Martinez vs Athenkosi Dumezweni
December 16, 2019 - Dumayo pa sa South Africa ang Buenos Aires native na si Fernando Martinez para tapatan ang kinatatakutang si Athenkosi Dumezweni.
Ito ang ika-labing isang laban ni Martinez as professional boxer at ang kauna-unahang laban sa labas ng Argentina at balwarte pa mismo ng Aprikano.
Alam naman natin na pag dayo ka lang, kailangan mong maging agresibo at gulpihin ng todo ang kalaban para ma-secure ang panalo dahil kung hindi – olats ka pag nauwi sa desisyon ang bakbakan.
Ganun na nga ang ginawa nitong si Martinez – first round pa lang e – ginulat at pinabagsak niya agad ang heavy favorite na si Dumezweni.
Naging back and forth ang naging bakbakan ng dalawa
Round 10 – bagsak ulit si Athenkosi ng tamaan ng isang short right hook.
Dahil sa gigil ni Martinez, kahit na nakaluhod na si Dumezweni e – inupakan pa din kaya nabawasan siya ng puntos.
Round 11 – pinaghilamos na ni Martinez ng mga suntok ang groggy pang si Athenkosi kaya wala ng nagawa ang referee kundi ang ihinto ang laban sabay bagsak din ng Aprikano.
Ang verdict – 11th round Technical Knockout victory for Fernando Daniel Martinez.

Jerwin Ancajas vs Ryuichi Funai
Isang matinding performance ang ipinakita ni Jerwin Pretty Boy Ancajas ng depensahan ang kanyang IBF Crown kontra sa mala kamikazeng Japanese boxer na si Ryuichi Funai noong May 4, 2019.
Round 1 pa lang – ginamit agad ni Ancajas ang kanyang mabibilis na jab at quick one two para makontrol ang laban.
Pagdating ng round 4 – nag step up na ang ating kababayan at ginulpi ng husto ang Japanese boxer. Pero Hindi nagpapatinag si Funai na sugod pa din ng sugod.
Round 6 – halos lumalanding na lahat ng mga power shots ni Ancajas at bakas na sa mukha ni FUnai ang mga kamaong pinatama ni Pretty Boy at kung titingnang maigi ang e, singkit na nga itong si Funai at lalo pang naningkit dahil maga na ang kanyang pagmumukha.
Bago pa magsimula ang 7th round – umakyat na sa lona ang ring physician para ma-check ang kalagayan ng matapang na si Funai.
Sa kasamaang palad, kahit gusto pang lumaban ni Funai – hindi na pinahintulan ng doctor na ituloy pa ang bakbakan dahil sa dami ng suntok na ipinakain ni Ancajas kay Funai
Kaya ang resulta – Jerwin Ancajas retains his IBF Belt via 6th round referee technical decision.

#SPORTSMANDA
#jerwinancajas
#ancajasvsmartinez

Comment