HARI NG STUNT DANTE VARONA, BAKIT MAS PINILING MAGING JANITOR SA AMERIKA KAYSA MAG ARTISTA SA PINAS?
Bumida si Dante Varona sa mga sikat na pelikula gaya na lamang ng kabilang sa mahigit na isang daang pelikula na ginawa ni Dante ay ang Hari ng Stunt, Ermitanyo, Kung Tawagin Siya ay Bathala, The Raging Anger at Bangkay mo kong Hahakbangan. Pero ang pinaka tumatak at pinaka pinag usapan sa mga ginawa niyang pelikula ay ang pagtalon niya sa San Juanico Bridge sa Samar Leyte para sa pelikulang Hari ng Stunt noong taong 1981 sa direksyon ni Carlo J Caparas. Sa kangyang pagtalon sa naturang tulay ay hindi ito gumamit ng anumang safety gear o harness, kaya naman mas kinilala siya bilang Philippine King of Stunts.