MENU

Fun & Interesting

It’s Showtime February 13, 2025 | Full Episode

ABS-CBN It's Showtime 117,373 1 week ago
Video Not Working? Fix It Now

Ngayong bisperas ng Valentine’s Day, mundo mo’y pupunuin ng love ng ‘Showtime’ family. In a relationship man, single, o sawi, anuman ang estado ng puso mo, deserve mo ang ngumiti. Smile na bestie! Heto ang unang serving ng pampa-happy, ang fun game na ‘Ansabe.’ Ang first to guess na grupo, sina Vhong Navarro, Lassy, Jugs Jugueta, Kelsey, at Kim Chiu, with their buli-lip reader, Argus. Mukhang nawala ang ‘mutual understanding’ nina Argus at Kelsey dahil simula pa lang ay lost in translation na! Kabaliktaran ng kapalaran niya nu’ng nakaraan, inalat si Vhong for today’s video dahil ang score nila, zero! Kaya naman extra confident si Vice Ganda na ligtas ang team niya–Darren Espanto, Teddy Corpuz, Cianne Dominguez, at Kulot. Tiwala rin si Meme sa magiging performance ni Stephen, na naka-perfect lang naman kahapon. Chill lang din ang Team Jhong Hilario with Karylle, Ryan Bang, Ion Perez, at Imogen, and their Buli-lip reader Ayesha. Talo na nga at nakatanggap ng FUNishment, nakasira pa ng props si Kuys Vhong! Mukhang it’s not your lucky day, Kuys. Better luck tomorrow! Muntik pa ‘atang mag-F.O. as in Friendship Over sina Gelli de Belen at Candy Pangilinan. Sa tagal ng pinagsamahan, ‘Hide and Sing’ lang pala ang susubok sa kanilang pagkakakaibigan. But all in the name of fun. Nostalgic ang feels sa studio sa “Take Me Home” ng mga singers na nagtatago. Perfect ang mood para balikan ang ‘songerist’ era ni Gelli, na sa pambubuyo ng mga tropa ay napa-sample ng “O Lumapit Ka.” Ang guess-sing, naging battle of generations. Nagkabukingan na nga ng edad at era. Clue kaya ‘to kung sino ang celebrity na TagoKanta? Kaya si Gelli, naisip si Lloyd Umali nang piliin niya si TagoKanta 3. At nawindang nga sila ni Candy dahil ang mystery celebrity singer pala for today ay si Top Suzara, na kaibigan pa naman ni Gelli. Isang feel-good throwback kantahan ang hatid ni Top na pinerform ang Freestyle hit na “Before I Let You Go.” Si Ariella Arida ang bagong miyembro ng Sexy AuthoriTEAM para sa Showtime Sexy Babe 2025. Bilang initiation, napasabak agad ang former beauty queen sa dancing with her co-hurados JC De Vera at Jak Roberto. Unang rumampa si Sexy Babe Jazline, ang call center agent na pangarap maging flight attendant. Hinahasa niya ang communication skills for her bigger dream. Madlang People, welcome to It’s Showtime Airlines, with your Captain Jhong Hilario. Alin nga ba ang as malinaw pakinggan? Announcement sa eroplano o sa LRT? Nagtataka lang si Vice Ganda. Si Sexy Babe Jhanela, lumaki man na hindi kapiling ang ama pero buo ang puso niya dahill sa pagamahal ng ina, na itinataguyod siya sa pamamagitan ng pagtitinda. Kahit naging masakit ang karanasan, pinili niya na magpatawad at iwan na ang sakit at galit sa nakaraan. Dahil sapat at sobra pa ang kalinga ng kan’yang beloved single mom. Samantala, si Ryan Bang, nape-pressure na sa pag-iisip ng baong jokes para sa weekly finals sa Sabado. Kay Ion Perez, humingi na siya ng saklolo. Madlang People, baka meron kayong jokes na gustong ibato? Teka, si Jhong Hilario, hindi pa raw nagbabago? Bakit sa pagsayaw ni Cianne Dominguez siya pa raw ang nagtuturo? #itsshowtimeonline #itsshowtimefullep #abscbnentertainment

Comment