Keep hydrated dahil painit na nang painit ang panahon. Para naman sa mga pusong ‘di makaahon, ang good vibes na hatid ng ‘Showtime’ family ay makakatulong sa’yo na mag-move on.
Imposibleng ‘di ka mapapangiti ng mga bardagulan moments sa “Ansabe.” Si Kelsey ang unang buli-lip reader. Yas, girl! Good job pa rin ang bebe na ‘yan para sa teammates n’yang sina Vhong Navarro, Jackie Gonzaga, MC at Kulot. Muntik nang mahulaan ang salitang ‘apoy’ na akala ni Kelsey ay ‘amoy.’ Ayun, nangamoy talo!
Relax lang para ang mga bagets ay ‘di masindak. Parang si Karylle na slowly but surely ang pagbigkas, kaya na-gets agad ni Jaze. Mga labi nina Jhong Hilario, Argus, at Ion Perez ay nabasa rin ni Jaze. Tanggap naman nila na ekis talaga ‘pag si Ryan Bang na ang nagsalita. Kaya goods na goods na ang grupo sa 4 points. Sabi nga ni Jhong, perfection is boring.
Losing is exciting–‘yan naman ang bagong motto ni Kim Chiu. Naku, Kimmy, be careful what you wish for. Ayun na nga! Na-manifest ng Chinita Princess. Grupo nila’y hindi sumakses. Go, Imogen, Lassy, Teddy Corpuz, and Darren Espanto, samahan n’yo na ang Team Vhong sa FUNishment. Teka, Kimmy, pang-apat na araw mo na sa lusutan! Consistent yarn?!
Heat index is rising dahil sa pagdating ng dalawang binibini na nag-flex ng ganda, kaseksihan, at galing sa ‘Showtime Sexy Babe 2025.’
Unang rumampa si Sexy Babe Noreen, isang aspiring flight attendant na gustong libutin ang mundo. First sa bucket list n’ya ang Thailand dahil sa kultura nito. Coffee is her best friend na nagbibigay sa kan’ya ng energy, kaya dream din niya na magkaroon ng café. Anong pangalan ng coffee shop kaya ang papatok? ‘Pag kay Kim Chiu, mukhang bagay ‘yung KimPau-ccino. “Noted” naman ang kay Jhong –as in, ‘kopi,’ noted po.
Heart ang pangalan ng ikalawang contestant. Bagay sa kan’ya dahil mabuti ang puso niya. Dahil ulilang lubos na, tumatayo siya bilang breadwinner sa mga kapatid at lola. Kaya hindi nakapagtataka na palagi s’yang nilalapitan ng biyaya. Minsan nga, nakatanggap siya ng 40, 000 pesos tip sa raket niya bilang umbrella girl sa isang golf course. Deserve! Parang deserve rin ni Kimmy ang kiligin nang kaunti. Nang ipakilala kasi ang kapatid ni Heart na si Pao-Pao, si Kimmy ay napangiti.
Nang talento naman nila ang ipinakita, napaHOTaw rin ang madla. Singkil ang kay Noreen, modern dance naman ang kay Heart with MC and Lassy as backup. Speaking of backup, buti na lang may reserba si Ryan Bang aka SAMgyupsal. Dahil binasag lang naman ni Jhong ang joke na pinagpuyatan niya. Pero kung may isang tao na tuwang-
uwa, ‘yan ay walang iba kundi si Karylle, na napa-cheer sa pagkakabasag ng punchline ni Ryan. Best frenemies ‘yarn?
Sinong Sexy Babe naman kaya ang bumuo sa araw ng Sexy AuthoriTEAM na sina Jameson Blake, JC De Vera, at Chie Filomeno?
Muling bumisita sa ‘It’s Showtime’ sina Michael Sager at Jillian Ward aka MicJill. Kung noo’y ‘di nagtagumpay sa ‘And The Breadwinner Is,’ dito sa ‘Hide and Sing’ daw sila babawi sa pagkilatis.
Nag-request si Jillian kay Darren na tulungan sila sa guess-sing, bilang si Darren naman ang paborito n’yang singer. Don’t worry, Jill, nand’yan ang mga TagoGulo para makilaro sa inyo. Malakas talaga makabuking ‘yung magandang questioning, tulad ng kung sino ang nakapag-perform na abroad, o kung lumalabas sila sa mga Sunday shows. Pero ‘yung tanong ni Ryan Bang kung nagsa-samgyupsal ba ang mga TagoKanta, sana makatulong nga.
Lahat ay magagaling pero iisa lang ang pwedeng piliin dahil iisa lang ang celebrity singer. Dahil sa “If I Ain’t Got You” na pangmalakasan, sina Michael at Jillian ay na-convice na si TagoKanta 1 ang tayaan. Hula nila ito’y si KZ Tandingan. Sorry, MicJill, dahil ang celebrity singer ay si TagoKanta 2, Juris. Ang galing naman kasi mag-iba ng boses!
#itsshowtimeonline
#itsshowtimefullep
#abscbnentertainment