MENU

Fun & Interesting

It’s Showtime March 11, 2025 | Full Episode

ABS-CBN It's Showtime 108,315 lượt xem 1 day ago
Video Not Working? Fix It Now

Sa barkada, may isang palaging nabubunot sa asaran. Kung ikaw man ‘yon, cool ka lang! Parang dito sa ‘It’s Showtime’ family, love language talaga nila ang bardagulan. Pero walang pikunan, biruan lang!

Maganda ang bunutan ng mga buli-lip readers sa ‘Ansabe.’ Hindi pa man nagsisimula ang laro, happy na si Jhong Hilario. Wala raw kasi si Lassy, na itinuturong ‘malas’ ng mga kagrupo. Finally! Vindicated si Lassy dahil kahit wala siya, ‘olats’ pa rin sina Jhong, Teddy Corpuz, Kim Chiu, Cianne Dominguez, Imogen at Ayesha. Si Kim, pasimpleng nagbigay ng clue kay buli-lip reader Imogen. Pero ‘di tumalab. Lulusot pa rin! Mukhang nagsisi nga si Meme, na humabol lang sa laro kasi feeling niya sila ang mananalo.

Talo rin ang team nina Vhong Navarro, Karylle, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Kelsey, at Jaze. Ang talagang nagbunyi sa araw na ‘to ay ang squad nina Argus, Kelsey, Ogie Alcasid, Kulot, Darren Espanto, Ion Perez, at Anthony Castillo ng ‘Showtime Online U.’

Isang grupo ang magbubunyi sa Day 2 ng Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak. Kinumusta nina Vice Ganda ang apat na singers na sumalang kahapon. Ito ay sina Psalm Manalo ng Pangkat Amihan, Froilan Cedilla ng Pangkat Alab, Shanne Gulle ng Pangkat Alon, at Neithan Perez ng Pangkat Agimat. Sa kanilang apat, si Shanne ang nakakuha ng pinakamataas na score, kaya ang unang puntos ay napunta sa Pangkat Alon.

For today’s resbakbakan, ang pagbunot ng pangalan ng cotender na sasalang ay nakasalalay sa huling team member na kumanta. Para sa Pangkat Alab, nabunot ni Froilan ang pangalan ni Raymundo Alvarez, na isinuot ang kan’yang ‘bertud’ na pulang gwantes. Bakit nga ba hindi napapagod si Raymundo, na isa rin palang barbero, sa patuloy na pagkanta? At dahil barbero, tanungin natin siya kung anong bagay na gupit sa ‘Showtime’ family. Samantala, hindi kwentong barbero ang komento ni hurado Ogie Alcasid sa pag-awit ni Raymundo ng “Bakit Sinta.”

Nakakalunod ang galing ni Ayegee Paredes ng Pangkat Alon. All for the love of TNT, pansamantalang iniwan ni Ayegee ang trabaho sa Dubai upang rumesbak. Worth the risk ang desisyon niya dahil hinangaan ni hurado Lani Misalucha kan’yang bersyon ng “Without You” ng Air Supply.

Parang ‘rematch’ naman ang nangyari sa ‘puksaan’ nina Jezza Quioge ng Pangkat Agimat at Nowi Alpuerto ng Pangkat Amihan. Kung inyong natatandaan, pareho silang sumabak sa TNT Year 6 kung saan tinanghal na 3rd Placer si Jezza, at 2nd Placer si Nowi. Samantala, si Lyka Estrella naman ang naging champion sa batch nila.

Ang dalawang mang-aawit, sobrang game! Laban ay sinimulan ni Jezza, and she set the stage aflame! Hurado Pops Fernandez thought she’s soft and sweet, pero nang bumirit ng “What Kind of Fool Am I,” hala ka, ang lupit!

“Gravity” naman ang kinanta ni Nowi. Mga hurado ay napa-‘grave tih.’ Binirit niya nang matindi pero ramdam pa rin ang emosyon, parang sinasabing she owns the throne. At para sa boses at performance niya na walang kupas, isang standing ovation mula kina hurado Ogie at Pops.

Matapos ang matinding bosesan, score ni Nowi ay pangmalakasan–99% lang naman! Sa araw na ‘to, siya ang panalo sa tanghalan kaya may isang puntos na rin ang Pangkat Amihan.

Tuloy-tuloy lang ang pag-aaral, ‘wag hihinto. Sa ‘Quiz Vee,’ knowledge is power dahil kaalaman ang susi para manalo ng papremyo. Pero higit sa makukuhang papremyo, nararapat linangin ang kaalaman dahil ‘yan ang tunay na yaman.

Our lesson for today: Mga ahensya ng gobyerno. Kabilang sa mga tanong ni Vice Ganda ay tungkol sa kahulugan ng LTFRB, DOTR, at LTO. May spelling test din! Dahil d’yan, may itinuro si Meme na isang hack para madaling matandaan ang spelling ng mga salitang may ‘ie’ at ‘ei.’ Class, listen carefully!

#ItsShowtimeOnline
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment

Comment