Napadaan kami along mabini manggahan pasig at may kahinahina la akong lalaki na nagmamasid sa mga bahay bahay, kaya naisipan kong itong sundan at imonitor para ikompirma ang aking hinala, agad agad kung binuksan ang aking camera nung nakita ko na tinatakbo na nya ang napaka kapal na wire at agad agad kung siyang sinabihan, salamat sa dalawang rider na tumulong para harangan ang lalaking nagnakaw ng gamit at agad agad ko ito nireport sa barangay para madakip at makumpirma ang lalaking nasa video na nagnakaw. maging mapagmasid po tayong lahat sa mga dumadaan sa lansangan.