#confessions
#tagalogstory
#totoongkwentongpinoy
Mula sa malaking pamilya c Clarisse. PAng apat siya sa walong magkakapatid, kaya high school lang ang kanyang tinapos. Sa dami kasi nila, hindi na sila nagawang pag aralin ng mga magulang.
Subalit likas na madiskarte ang dalaga, kahit anung trabaho ay hindi sya namimili para makatulong sa pamilya...
Kapatas ang tatay niya sa koprahan at simpleng maybahay nmn ang ina. Mula Marinduque ang pamilya nila...
Pangarap ni Clarisse ang makapag abroad, kaya lang dahil bata pa siya ay ayaw siyang payagan ng mga magulang. Sa edad na bente kasi ay maliit ang dalaga kaya mapagkakamalan itong menor de edad...
Pero sabi nya sa sarili, sa tamang panahon ay makakapag abroad din sya.
Sa paglipas ng mga araw, buwan at taon, hindi nakalimutan ng dalaga ang pangarap. Kaya naman ng may nag alok na recruiter sa kanya, na tutulungan na walang gagastosin ay pumayag ang dalaga.
Noong una ay ayaw syang payagan ng mga magulang, ngunit matiyaga niyang pinaliwanag na gusto niyang makatulong sa mga ito para sa mga kapatid..
Kaya sa huli ay napahinuhod naman niya ang mga ito.
Sa unang luwas ni Clarisse sa Manila, takot at kaba ang naramdaman ng dalaga... Sapagkat unang beses siyang mapapalayo sa pamilya. Pero nilabanan niya ang nararamdaman.
Katwiran niya, pano sya tatagal sa abroad kung dito plang ay takot na sya. Kaya dala ang determinasyon ay napagtagumpayan niya ang takot.