MENU

Fun & Interesting

SUSPENDIDONG LTO MEMO SA TRANSFER OF OWNERSHIP NG MOTORSIKLO: IPAPATUPAD SA 2025? ALAMIN AT GABAY

Kaalaman Moto 14,514 lượt xem 4 months ago
Video Not Working? Fix It Now

Alamin ang mga mahahalagang detalye tungkol sa suspendidong LTO memo regarding transfer of ownership ng mga motorsiklo! Ano ang mga dahilan sa likod ng pagkaantala nito, at ano ang posibleng epekto nito sa mga rider?

Pag-uusapan natin mga ka-tuto (kasamang matuto) ang isang napakahalagang isyu para sa lahat na may sasakyan—motorsiklo man, kotse, electric or hybrid at para mas malinaw, lahat po na klase ng sasakyan na nireregulate ng LTO.

Kung ikaw ay bumili o nagbenta ng sasakyan, kahit matagal na ang naging transaksyon ninyo, kailangan mong malaman ang tungkol sa bagong administrative order ng LTO, ang AO-VDM-2024-46.

Bagama’t itinigil o sinuspinde ang pagpapatupad ng nasabing Administrative Order, sabi ng Executive Director ng LTO, maari itong maipatupad sa taong 2025 matapos ang mga konsultasyon na gagawin sa ibat-ibang sectors.

Sa video na ito, ipapaliwanag natin ang mga bagong polisiya sa pag-transfer ng ownership ng sasakyan, ang mga posibleng multa or penalty na posibleng kaharapin kung hindi tayo sumunod, at kung ano ang maaring gawin ng mga nagbenta o bumili ng sasakyan bago ang paglabas ng Administrative Order na ito.

Hindi po layon ng presentasyon na ito na takutin ang mga motorista sa mga pwdeng kaharapin na paglabag sa batas. Ang nais lang po nating gawin ay magbigay ng impormasyon sa mga batas na matagal ng naipasa na naging basis ng nasuspindeng Administrative Order sa proseso ng pag-transfer ng ownership ng mga nabenta o nabiling sasakyan o motorsiklo at mga pinataw na karampatang multa sa hindi pagsunod.

Tatalakayin natin ang mga kinakailangang proseso, dokumento, at mga gabay upang masiguradong handa ka sa mga pagbabagong maaaring ipatupad sa 2025.

Kaya inaanyayahan ko po kayo na tapusin ang video na ginawa nating Q&A approach para sa komprehensibo at malinaw na pagpapaliwanag at sabay-sabay tayong matuto dahil KAALAMAN MOTO.

Sabay-sabay tayong matuto at ma-gabayan sa mga presentasyon at sagot sa mga sumusunod na tanong sa kada episodes ng video:

1. Ano ang LTO AO-VDM-2024-46?
2. Kailan inilabas at naging epektibo ang LTO memorandum?
3, Ano ang legal basis ng kautusan na ito?
4. Ano ang mga mahahalagang deadline na dapat tandaan?
5. Anu-ano ang mga dokumentong kailangang ihanda?
6. Ano ang multa or penalty kung hindi masusunod ang mga deadline?
7. Paano kung matagal na akong nagbenta o bumili ng sasakyan pero hindi natapos ang transfer?
8. Ano ang mga legal na implikasyon kung hindi nai-transfer ang mga sasakyang nabili or naibenta bago ang AO-VDM-2024-46?
9. Ano ang dapat nating gawin habang itinigil muna ang implementasyon ng kontrobersyal na LTO Administrative Order tungkol sa pag-transfer ng nabili o nabentang sasakyan o motorsiklo?
10. Ano ang Motorcycle Crime Prevention Act of 2019 at Bakit Ito Mahalaga?
11. Ano ang Anti-Carnapping Act of 2016 at Paano Ito Nakakaapekto sa Mga Rider?

⚠️ SUBSCRIBE para lagi kang updated sa mga usaping legal at praktikal na tips sa motorcycling!

👉 #LTOmemorandum, #TransferOfOwnership, #MotorcylceCrimePreventionAct, #Anti-carnappingact, #tedfailoninterview, #kaalamanmoto #LTOTransferOfOwnership #MotorcycleGuide #kaalaman #KaalamanMoto #suzukismash115

Comment