Sa mga nakaraang episodes ay nag motor tayo mula Tarlac hanggang Tagaytay City kung saan nadaanan natin ang mala bitukang manok na kalsada ng Tagaytay to Talisay road, pagkatapos natin sa Tagaytay ay pinuntahan naman natin ang Buso Buso para makita ng mas malapitan ang pinakamaliit na active volcano sa mundo, ang Taal Volcano.
Pagkatapos natin sa Taal Volcano, pinuntahan naman natin ang "Disney World" ng Pilipinas, ang Fantasy World ng Lemery, Batangas.
Sa videong ito, mula Lemery ay mag momotor naman tayo papunta sa pinakamahabang tunnel sa pilipinas, ang Kaybiang Tunnel, kung saan madadaanan natin ang scenic view ng East West Road ng Cavite.