Sa huling araw ng sesyon ng Kongreso, bago ang kanilang recess para sa Halalan, nilagdaan ng 215 na mga Kongresista ang Verified Complaint for Impeachment para papanagutin si Vice President Sara Duterte sa anila'y Culpable Violation of the Constitution, Betrayal of Public Trust, Graft and Corruption, and other High Crimes.
Kung inabot ng dalawang buwan bago tuluyang ma-impeach ng Kamara ang Bise Presidente, ilang araw, linggo, buwan, o taon naman kaya ang bibilangin para magsimula ang Senado sa proseso ng impeachment trial?
Pinagdedebatehan ngayon ang nakasaad sa ating Konstitusyon kaugnay sa proseso ng impeachment na sinasabing pagkatapos pagbotohan ng 1/3 ng mga miyembro ng Kamara ang resolusyon na naglalaman ng Articles of Impeachment, trial by Senate shall forthwith proceed–dapat isunod agad ang paglilitis ng Senado.
Subalit iwinawaksi ng liderato ng Senado ang suhestyon sa pagpapatawag ng special session para aksyunan ang impeachment complaint. Sa halip na isunod agad o gawin agad ay tila pinatatagal ang pagsisimula ng proseso ng impeachment trial. Bakit kaya? Think about it.
#TedFailonAndDJChaCha #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
🌐 https://www.news5.com.ph