Taong 2017, isinulong ng administrasyong Duterte ang PUV Modernization Program. Mula 2017 ay nagkaroon na ng siyam na extension sa deadline ng industry consolidation o ang pagbuo ng mga korporasyon at kooperatiba ng jeepney drivers at operators kung saan ang hindi susunod ay awtomatikong tanggal ang prangkisa.
Higit 86% na raw ang nakapag-consolidate sa buong bansa. Pero sa 86% na ito, ilan ang totoong aprubado na at ilan ang hindi pa talaga kumpirmado? Kahit na wala pang siguradong ruta ay ginulo ng pamahalaan ang hanapbuhay ng mga driver at operator, at pinahirapan ang mga mananakay.
Walang malinaw na local public transport route plan kaya noon pa man ay atubili ang mga bangko na magpautang sa mga nais kumuha ng modern jeepney, habang ang government financial institutions na Landbank at DBP ay huminto na umano sa pagpapautang para sa PUV modernization dahil sa mga kooperatibang hirap makapagbayad ng utang.
Aamin kaya ang kasalukuyang gobyerno na ipinagpatuloy nila ang programang sinimulan ng dating administrasyon kahit hindi ito lubos na pinag-aralan? Paano tatakasan ng gobyerno ang kinasadlakan nilang sitwasyon nang hindi sila mapapahiya? Think about it.
#TedFailonAndDJChaCha #ThinkAboutIt #DitoTayoSaTotoo #SaTrue #TrueFM #TrueTV
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
🌐 https://www.news5.com.ph