Ang ikakabit natin sa video tutorial na ito ay ang tuya 3 gang smart switch na pwedeng wala ng neutral wire o line 2 meron din nitong single , 2 gang , 4 gang , 6 gang at 8 gang swtiches.
susubukan natin ang dalawang wiring diagram nito ang may neutral at walang neutral papaliwanag ko rin ang wring kapag naka line to neutral tayo o line to ground kung tawagin ng iba pero dito samin ang gamit namin ay line to line o parehas hot wire kilala rin ito sa tawag na split phase power supply
ang tuya smart switch natin ay naka touch sensor at pwede natin itong i connect sa wifi at gamit ang application ng tuya ay posible na natin ma control ang mga ilaw natin gamit ang cellphone natin o anumang mobile device para mapagana ito kahit saan man tayo sa bansa o kahit nasa ibang bansa pa tayo hangat ang cellphone natin o mobile device ay may internet o naka connect sa internet ganoon din syempre dapat ang device natin pwede rin natin gamitin ang mga time control sa application ng tuya smart life kagaya ng schedule on and off at coundown timer
Maari rin natin itong i connect sa ating mga voice command device kagaya ng google home assistant at alexa
testing area https://youtu.be/1j1R0rF5CV4
smart bulb https://youtu.be/nUjG73WGIfI
PAUNAWA: mapanganib ang kuryente kung hindi natin ito naiintindihan, ito ay educational purpose lamang kung gagayahin nyo ang ginawa sa video ay "DO IT AT YOUR OWN RISK"
Maraming Salamat po Ingat po tayo palagi!
#tuya