Ang Kalayaan sa Panginoong Hesus
Mga aral na walang bayad at hindi pinagkakakitaan. Layuning maghatid lang ng payak na katotohanan ng biblia. Ito ang aking kalayaan sa Panginoon, walang pagkakatali at pananagutan sa kahit sinong pinaglilingkurang pangalan ng simbahan na may kanya-kanyang doktrinang pinanghahawakan. Ito rin ang aking kalayaan na tumanggap ng pagkakamali kapag itinutuwid ng Salita ng Diyos. Sapagkat iisa ang aking tunay na Panginoon at Hari, naglilingkod sa Kanyang Kaharian at hindi sa ginawa lang ng katalinuhan ng tao. Tunay na walang kinakampihang samahan, sapagkat ang aking Panginoon ay hindi nga nagtatangi ng tao—ngunit tumutupad sa Kanyang pangako ng buhay sa mga nagiging tapat sa Kanyang mga bilin hanggang sa huli.
Akin rin ang kalayaan na tanggapin at kumilala sa lahat lahat ng Kanyang mga ginanap na. - cs